Saturday, October 15, 2005
namimiss ko na mag-layout ng school journal.. ginagawa ko na kasi yun simula pa lang high school.. ngayon, wala akong ile-layout..
sana, may sariling journal ang center..
toiletpaper;
sana naman bigyan pa ni sir ng consideration yung mga delikadong ma-kickout.. kawawa naman kasi sila..
toiletpaper;
Friday, October 14, 2005
kawawa naman si guingona..
hindi naman yata tama na paulanan ng tubig ang dating bise-pangulo ng ating bansa..
toiletpaper;
Thursday, October 13, 2005
2 beses kami nagpadeliver ng pizza.. yung una, blow-out ni katoq.. ung pangalawa, pasalubong ni mommy kay doi..
takaw namin anu?? **takaw ni doi anu??**
toiletpaper;
Wednesday, October 12, 2005
nahuli ako ni ma'am shelly na gumamit ng phone sa clinic..
eh kasi naman, wala na akong load at kelangan kong tawagan si jek para sabihin na isosoli ko na yung cd na hiniram ko..
buti hindi ako pinagsabihan.. kakahiya!!
toiletpaper;
ipinakita na sa amin ang grade namin sa practicum.. 4.5 units din yun.. buti naman ok yung grade namin lahat..
toiletpaper;
Monday, October 10, 2005
nung nilagyan din so joy nun device na kapareho ng ikinabit kay bob (para ma-record ang activity ng puso nya for 24 hours), palaging sinasabi ni nanay na mag-ingat daw siya.. sabi ko kay joy, baka kasi mapagkamalang cellphone at bigla na lang hilahin sa kanya..
toiletpaper;
tinanggal na nila si bob sa pinoy big brother.. hindi naman nya kasalanan na nag-stay sya sa labas ng bahay for more than 24 hours, di ba??
sana naman hindi si racquel ang makabalik sa bahay ni kuya....
toiletpaper;