Saturday, October 08, 2005
kanina ko lang napanood yung '5o first date'..
nakakaiyak.. nakaka-touch..
toiletpaper;
naghahanap ako ng mga taong i-a-add ko sa friendster account.. tapos nakita ko yung account ni jeff.. iba na hitsura nya.. kung hindi ko pa tinitigang mabuti yung pictures, hindi ko pa siya makikilala..
huli ko yata syang nakita, graduation pa namin sa baler central..
toiletpaper;
si racquel ang natanggal sa pinoy big brother ngayong gabi..
ayaw ko silang dalawa ni cass, pero mas gusto ko na maalis si racquel since pangatlong sunud-sunod na nomination na ang kasama sya..
toiletpaper;
Friday, October 07, 2005
tumawag si jek para sabihing i-send ko daw sa email nya yung mga pictures nung bday ni natalie..
nun tiningnan ko, 2 lang naman pala yun.. solo pa yung isa!!
toiletpaper;
ust graduate pala si miss international 2005 - precious lara quigaman!!
toiletpaper;
Thursday, October 06, 2005
may libreng tikim ng bailey's kanina sa sm supermarket.. kukuha sana ako kaya lang, walang tao nun dumaan ako.. nakakahiya naman basta na lang kumuha..
toiletpaper;
nanood kami ni mommy ng dubai kanina..
pwede ka palang makulong sa dubai kapag nabuntis o nakabuntis ka ng taong hindi mo asawa..
toiletpaper;
Wednesday, October 05, 2005
eto ako, nagdo-drawing na naman ng mga specimens ni tinan..
and take note, kagabi niya ako inaway (actually, kami ni tini) at hindi ngayon kasi nga naman may favor na naman syang hihingin..
***magpapagising na naman si tinan!!***
toiletpaper;
feeling na naman!! akala ba nila acknowledged sila?? hindi kaya!!
hindi talaga!!
toiletpaper;
Tuesday, October 04, 2005
tapos ko na ang research ko tungkol sa
mastoiditis na ipinost ko din dun sa isa kong blog.. tama nga sila, habang inaaral namin ito, hndi namin maiwasang isipin na baka meron din kaming sakit..
tulad na lamang ni france na sabi ay magpapa-checkup na daw siya dahil halos lahat ng tests namin sa kanya ay abnormal ang resulta!!
toiletpaper;
bukas na ang practical exam ko.. sana makapasa ako..
toiletpaper;
Monday, October 03, 2005
ang ganda ng yearbook ng college of science.. sayang,, hndi kasi natuloy yung yearbook ng faculty of pharmacy.. kaya hihintayin ko na lang yung yearbook ng buong university..
toiletpaper;
punta si mommy ng ilocos.. sa wakas, natuloy din ang plano!! ilang buwan ko na yung naririnig, buti naman natuloy din sila..
toiletpaper;
hindi pa naman bukas yung practical exam ko, kaya gagawin ko na muna ngayon yung research ko para sa assessment strategies..
toiletpaper;
Sunday, October 02, 2005
may swimming pool pala dun sa may tabi ng simbahan dito sa loob ng village?? maganda naman kaya yun?? malinis naman kaya??
toiletpaper;
nagpa-deliver na naman sila ng pizza.. hay naku,, sino kayang kakain nun?? 2 boxes pa naman.. tapos si tini, puro crust naman yung kinakain..
toiletpaper;
nakakainis si tinan, ayaw nya kasi akong awayin.. kaya wala akong excuse para hindi siya ipag-drawing ng mga specimens nya sa histology lab..
hmp!
hmp!!
hmp talaga!!!
toiletpaper;